Huwebes, Mayo 17, 2012

SA MRT

MRT, MRT, MRT

Siksikan palagi sa mrt
Di pwedeng mangamot kahit makati
Ang iyong singit at kili-kili.

Sa gilid ng pintuan ng mrt
Ako ay surot na di mapakali
Siniksik na parang aspili
Di makaangal sa aking katabi.

Pagdating sa makati
Swerte ko at nagawi
Dun sa may gitnang bahagi,
Ako'y napadpad sa iyong tabi.

Kiskisan ng balat at binti
Halos magdikit na ang ating pisngi
Gahibla na lang sa yong mga labi
Ay labi ko ay madadampi.

Ay iyonh hiningang lubhang kay init
Ang iyong balat na kay kinis
Ang iyong buhok na kay yumi
Ay nais kong damhin palagi.

Sanay palaging makatabi
Ang babaeng lubhang kay yumi
Ito ang aking minimithi
Ang madama ka kahit na sandal.

Subalit hindi maaari
Pagkat katabi ko ay mga pari
Nagmamatyag, nagmamasid
Pagkat nariyan ka sa aking tabi.

Hindi maaari para sa magpapari
Hindi maaari sa harap ng pari
Sana'y makita kang muli sa mrt
At ikaw ay aking madamang muli.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento