Lunes, Setyembre 17, 2012

EMPI LIGHT

Minsan Mabigat ang problema
Walang Makasama
Wala ang barkada
Ngunit nariyan ka
Handang dumamay, handang sumama.

Natanggal sa trabaho
Brineyk pa ng syota ko
'di ko alam saan tatakbo
Isip ay litong lito
Ngunit para kang bespren ko
Nariayn ka parin sa tabi ko

Ano bang powers mo
Lahat nagiging light sa iyo
Pag ikaw ang kasama ko
Para kang super hero
kahit anong problema napapagaan mo.

Bumagsak sa trigo
Namura ng magulang ko
Mundo ko'y gulung gulo
Ngunit sa tabi ko
Nariyan ka pare ko
Handang dumamay sa kabiguan ko.

Ano bang powers mo
Lahat ay Light sa iyo
Ano mang mabigat na pasan ko
Napapagaan mo
Ikaw na sana ang bespren ko
Laging nariyan sa tabi ko.